Dear Fellow advocates
Forwarding herewith is the letter for humanitarian appeal of Juanito Itaas, one of the longest held political prisoners in the Philippines, convicted in the killing of the U.S. Army Col. James Rowe in 1989.
He is now jailed at the New Bilibid Prison and had suffered 25 years of detention for the crime he did not commit.
Juanito Itaas would like to take the opportunity of the state visit of U.S. President Barack Obama to appeal for his release on humanitarian grounds that had been opposed by former U.S. Presidents.
In behalf of Juanito, we hope you would consider sharing this humanitarian appeal.
Saturday, 26 April 2014
Wednesday, 2 April 2014
ANO ANG KAMPANYANG “IPAKILALA SI NITOY KAY PNOY”?
ANO
ANG KAMPANYANG “IPAKILALA SI NITOY KAY PNOY”?
Ipakilala si Nitoy kay Presidente sa
pamamagitan ng pagpapakilala sa kanya sa madla.
Ang kampanyang “Ipakilala si Nitoy kay
Pnoy” ay hinggil sa pag-apila sa pamahalaan, partikular kay Pangulong Noynoy
Aquino na palayain si Nitoy Itaas na 25 taon nang ikinulong sa salang hindi
naman niya ginawa.
Si Nitoy ay idiniin sa salang pagpatay kay
Col. James Rowe nuong taong 1989. Si
Rowe ay isang sundalo ng U.S. na tinambangan at napatay ng rebeldeng grupong
New Peoples’ Army o NPA ayon na rin sa kanilang pag-ako.
Sa mahabang panahon, sa kabila ng ilang
pagtatangka at apila sa mga nagdaang pangulo ng bansa, si Nitoy ay makailang
ulit nang muntik mapalaya, subalit maagap na tinututulan ng gobyerno ng Amerika
at ng pamilya ni Rowe.
25 taon na nagdurusa si Nitoy sa kulungan,
sa salang hindi naman niya ginawa. Mahabang
panahon na ang nawala sa kaniya upang magsakripisyo upang mapagtakpan ang
kapalpakan ng pamahalaan na hulihin at panagutin ang tunay na may sala. Si Nitoy
ang pinagmukhang kriminal upang hindi mapahiya ang pamahalaan sa mabigat niyang
kaalyado at maipalabas na kanila nang nakamit ang hustisya para sa bayani ng US
na si Rowe.
Sa kapangyarihan ni PNoy na magpalaya, ay
susubukan ng kampanyang kumatok sa rasyunal na pang-unawa ng pangulong ang ama
ay biktima rin ng pagkapiit nuong ito ay nabubuhay pa.
Tatangkain ng kampanya nating kuhain ang
pansin ng Pangulo at ng mga ahensiya ng pamahalaan na matagal nang kinakatok ng
ating mga apila sa pamamagitan ng pag-generate ng suporta upang makatulong sa
pangungulit sa tanggapan ng Pangulo.
Samahan ninyo kaming Ipakilala si Nitoy kay
PNoy upang maging simbolo at pagpapatotoo na mayroong mga bilanggong pulitikal
sa bansa na dapat bigyan ng pansin sa isang tunay na matuwid na daan.
Ipakilala si Nitoy Kay PNoy! – Dahil hindi
kilala ni PNoy si Nitoy kaya’t hindi niya ito pinagtutuunan ng pansin.
Ipakilala si Nitoy kay PNoy! – Dahil isang
matinding inhustisya ang 25 limang pagkakakulong sa salang hindi naman niya
ginawa.
Ipakilala si Nitoy kay PNoy! – Dahil si
PNoy ang may kapangyarihang magpalaya sa isang katulad ni Nitoy.
Ipakilala si Nitoy sa mamamayan! – Dahil
siya ay kinasangkapan ng Pamahalaan upang pagtakpan ang kahinaan nito at upang
mapanatili ang interes ng Bansang Estados Unidos.
Subscribe to:
Posts (Atom)